Mga Bagay na Aking Natutunan sa
“Work Immersion”
Ako si Warren Rubion, nag-aaral sa paaralang The Nazareth School (TNS), na nasa ikalabing-dalawang baiting. Ginawa ko ang Blog na ito dahil nais kong ibahagi ang aking mga karanasan habang ako ay nasa pag-sasanay ng pagtatrabaho at upang mas mapalawak ko pa ang aking kaalaman. Sa loob ng dalawang linggo na kami ay naroon sa CandleLight Cafe at CDIC marami akong natutunan isa na doon ay ang pag tutulungan ng bawat isa sapagkat hindi namin matatapos ang isang gawain o ang isang bagay kung hindi kami mag tutulungan at hindi rin namin magagawa ang isang gawain kung hindi kami mag kakaisa.
Habang kami ay nasa CDIC maraming bagay ang aking natutunan, natutunan kong mag pahalaga sa mga bagay hindi lamang sa aking sarili ganon na din sa mga batang naroroon, hindi man sila yung mga batang sobrang ayos mag-isip dapat parin nating silang ituring ng maayos katulad ng ibang bata na ating nakikita na normal ang pag-iisip sa halip mas dapat pa natin silang bigyang pansin.
Sa CandleLight Cafe naman, dito ko nalaman kung gaano kahalaga matuto ng Pagguhit at Pagpinta, dahil sa pammagitan nito mas nadagdagan pa ang aking nalalaman kung paano gumuhit ng mas maayos. Natutunan ko din na ang pagguhit ay hindi dapat minamadali sa halip ito ay ginagawa ng masinsinan ang bawat detalye ay naaangkop sa iginuguhit at ang bawat kulay ay dapat ibinabagay rin sa ipinipinta.
Blog entry no. 1
“Narrative”
Unang araw ko sa Candlelight cafe, kinakailangan namin pumasok nag maagang sa ganon ay malibot namin nag buong lugar. Sa aming pagpunta doon una naming nakilala si Ate Mirna inilibot nya kami sa iba't iabng parte ng Candlelight cafe. Matapos naming malibot, una naming ginawa ay winalis ang buong paligid at diniligan ang mga halaman. At matapos naming magwalis at magdilig sunod naming nakilala si Dr. Marichu may kanya kanya kaming puwesto na kailangan linisin. Ako at ang aking kasama ay sa loob ng "Art Room" kung saan naroon lahat ng ipininta ng mga batang nag-aara roon ng pag pinta.
Matapos maglinis muli kamin tinipon ni Dr. Marichu, tinuruan nya kaming lahat kung paano gumawa ng "Mosaic" na gamit ang dinurog na "tiles". at hindi namin matatapso ang isang gawain kung wala ang pagtutulungan at pagkakaisa.
Blog entry no. 2
"Most Important Attitudes In The Workplace"
Alam nating lahat na ang isang bagay ay hindi mattapos kung wala ng patutulungan ng bawat isa sa grupo. Natutunan rin naming na pahalagahan ang bawat oras na nasasayang, natutunan ko na hindi dapat maging kampante na hindi dapat sinasayang ang bawat segundo o minuto, dahil sa bawat segundong iyon na nawawala maraming bagay na rin ang pwedeng magawa at matapos.
Ilan sa mga natutunan ko sa CDIC, doon natutunan ko na mas dapat nating bigyang pansin ang mga batang naroroon na wala sa tamang kondisyon. Natutunan ko na hindi dapat natin layuan ang may mga kondisyon sap ag-iisip sa halip atin silang kaibiganin. Itrato natin sila na parang normal na tao lang.
Blog entry no. 3
"Featured Workplace 1"
Sa “Candlelight Café” duon natin makikita nag iba’t ibang ipininta ng mga batang nag-aaral duon, kung saan duon mas maaari pa nila mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagpinta at pag guhit ng iba’t ibang larawan na kanilang nanaisin na gawin, at ang kanilang mga natatapos na pinta ay inilalagay sa “Art Room” duon nakalagay ang lahat ng pinta na kanilang natatapos. Nagagawa rin sila ng iba’t ibang hugis ng kandila na kanilang ipinagbibili sa iba’t ibang halaga duon din makikita ang mga bagay na gawa sa “Pluster” halimbawa na dito ang bulaklak, ng mga hayop at iba pa.
Sa “CDIC” naman doon inaalagaan ang mga batang hindi normal, duon sila inaalagaan ng sag anon ay mahubog ang kanilang kaalaman at upang maiwasan ang paglala ng kanilang kondisyon. Ang ibang bata ay dinadala sa loob ng “Theraphist Room” upang isagawa ang tinatawag na “One on One” ng sa ganoon ay matutukan ang mga bata, at upang maturuan na bumasa ng mabilis.
Blog entry no. 4
"Value of Hardwork"
Alam nating lahat na kinakailangan na maging masipag at mahusay sa mag bagay bagay na ating ginagawa o gagawin pa lamang. Isang kahalagan na maging parte ng isang tao ang pagiging masipag sapagkat ito ang magdadala sa kanya tungo sa ruruk ng tagumpay. Mahalagang katangian na dapat taglayin ninuman ito’y dahil sa ang kasipagan ay isang mabisang paran upang magawa ang isang bagay sa pamamagitan ng tiyaga at pag kamalikhain tungo sa paggawa ng isang bagay.
Ito rin ay kumakatawan sa kabuuang katangian ng isang indibidwal na dapat o nararapat lamang na angkinin ng bawat isa na siyang makapagdadala sa kanila di lamang sa hinaharap kundi sa maganda at matagumpay na parte ng buhay. At ang pagiging masipag ay likas na sa ating mga tao at ito ay isa sa mga kahanga hangang ugaling taglayin natin ang kasipagan dahil may magandang dulot ito para sa atin tulad na maaaring madali mong maaabot ang iyong mga mithiin. Talagang mabuti na taglayin natin ang kasipagan dahil nadin upang makamit ang ninanais mong magandang kinabukasan.
Blog entry no. 5
"Most Difficult At Work"
Sa aming karanasan ng pagsasanay ng pagtatrabaho, napakaraming bagay ang kinakailangan mong gawin upang maging maayos ang isang trabaho ng sa ganon magawa mo ng maayos ang lahat ng iniatas sa iyong trabaho. Ngunit isa sa mga pinakamahirap gawin para sa akin ay ang pag gising ng maaga sa trabaho upang makarating ng maaga, ng sa ganon magawa mo ng maayos ang mga bagay na dapat na tapusin sa madaling panahon. Kinakailangan na balansehin ang oras dahil sa bawat segundo at minuto na nasasayang maraming bagay narin ang pwedeng matapos at magawa.
Karamihan sa ating mga pinoy ay mababa ang pagpapahalaga sa ating oras, ngun i hindi natin alam na maraming benepisyo ang makukuha natin mula dito. Mayroon tayong kasabihan na "Time is Gold" na ang ibig sabihin na ang bawat gawain mo ay mahalaga. At mas marami kang magagwa sa kakaunting oras, dahil kaag ikaw nag may hawak ng iyong oras ikaw ay makakapag pokus sa iyong mga gawain. mas mabilis mong magagawa ang mga bagay na dapat mong gawin sa mas konting paghihirap.
Blog entry no. 6
"Featured Workplace 2"
Children Development Intervention Center, isang paaralan kung saan nag-aaral at tinututukan ng maayos ang mga batang may espesyal na kondisyon upang maging maayos at para maitama ang mga hindi tamang kilos, mga kilos na dapat taglayin ng isang normal na bata. Sa aming kasanayan sa pagtatrabaho doon marami akong natutuhan na pag tugon sa mga batang naroroon sa CDIC, doon ibinibigay ang mga pangangailangan na dapat matutuhan ng isang bata na may di normal na kilos o angkop pag-iisip. Sa CDIC tinuturuan sila kung paano magbasa mag bilang at kumilos ng tama na dapat taglayin ng isang bata.
At isa pa sa aming karanasan sa pagpunta doon, nakikita namin ang unti-unting pag ayos ng kanilang kilos at pag-iisip dahil narin sa magandang pamamalakad ng kanilang mga guro doon. Ang mga pagdidisiplina na kanilang ginagawa para sa mga bata upang maibigay lang ang tulong na kinakailangan ng isang bata na may kapansan. At kung minsan ang mga bata ay dinadala sa OT Room upang isagawa ang tinatawag na “one on one” upang mas matutukan at maturuan sila ng mabuti, kahit na minsan nagiging pasaway ang bata sa kanila at nasasaktan na sila ng mga ito ibinibigay parin nila ang mga tulong para sa mga bata maging maayos lang ito.
Blog entry no. 7
"Kung Ako Ang Mamamahala ng
Candlelight
Cafe"
Kung ako ang namamahala sa Candlelight Café gagayahin ko ang pamamalakad ni Dr. Marichu, ngunit mas paiigtingin ko pa ang mga panuntunan na dapat sundin ng aking mga empleyado sa oras ng trabaho, gagawa ako ng isang panuntunan na naglalayon ng pagbabawal sa paggamit ng telepono habang nagtatrabaho ng sa ganon makapagpokus ang aking mga empleyado sa mga dapat nilang gawin at ng sa ganon magawa nadin nila ng maayos ang kanilang mga trabaho na ipinagkatiwala ko sa kanila.
Dagdag pa dito, ang pagdadagdag ng mga tauhan sa paggawa ng mga costume na ipinapagawa ng iba’t ibang paaralan, ganoon narin upang mas mabilis na magawa ng mga bagay na dapat tapusin sa tamang oras . Paggawa ng panibagong bagay na maaaring maging atraksyon sa taong napunta doon halimbawa nalamang ng pagpipinta sa pader ng iba’t ibang imahe, upang mas makilala pa ang lugar na ito pagdating sa larangan ng sining na maaaring maging resulta ay ang pagpunta ng mga tao doon dahil sa ganda ng mga imahe na nakaguhit doon pati na din sa maganda nitong lokasyon na napalilibutan ng mga puno sa kapaligiran.
Blog entry no. 8
"Featured Employee"
Sa aming karanasan ng pagsasanay ng pagtatrabaho sa Candlelight Café napakaraming kong nalaman at natutunan na maaaring makatulong sa akin ng malaki upang mas mapaghusay ko pa ang aking kakayahan sa larangan ng pagguhit na matagal ko ng kinahihiligan, hindi lamang sa pagguhit ganoon na din sa pag ukit ng iba’t ibang bagay gaya na lamang ng paggawa ng imahe gamit ang plaster. Ang isa ko pang natutunan ay ang paggawa ng “mosaic” gamit ang durog-durog na piraso ng “tiles” sa tulong ni kuya Mak mak nagawa naming ng maayos at maganda.
Si kuya Mak mak ang pinakatumatak sakin dahil sya yung laging tumutulong at gumagabay sa amin sa mga kung ano at dapat naming gawin upang magawa namin ng maayos ang mga gawain na ipinapagawa samin ni Doctora. Itinuturo nya sa amin ang mga nalalaman nya, kung paano ang proseso para maging maganda ang kalabasan ng isang bagay. Kaya nagpapasalamat kami dahil sa mga natutunan namin mula sa kanya.
Blog entry no. 9
"Important Lesson Learned"
Sa aming karanasan ng pagtatrabaho sa Candlelight café at CDIC napakaraming bagay ang aking natutunan at nalaman. Natutunan ko na kung gusto kong umangat pa sa aking kinalalagyan, simple lang ang batas sa trabaho, gawin lang ng maayos ang trabaho na iniatas sa iyo at dapat galing sa puso. At sa pagtatrabaho ang isang manggagawa dapat ay may kakayahan sa pagsasalita upang maging malapit ka sa mga taong iyong nakakasama sa pagtatrabaho. Mas natutunan ko rin na dapat marunong makisama.
At sa isang pagtatrabaho hindi dapat nawawala ang kumpiyansa sa sarili na hindi hindi dapat mawala sa isang manggagawa. Natutuhan ko din na dapat matutong gumawa ng ilang bagay ng sabay ng sa ganon ay makatipid ka sa oras. Sa pagtatrabaho nalaman at natutuhan ko rin na dapat marunong kang manguna o mamuno ng sa ganon magawa ng maayos ang mga iniuutos ng mga nakatataas.
Blog entry no. 10
At bilang isang mag-aaral ginagawa ko nag lahat ng aking makakaya upang maabot ang lahat ng aking mga pangarap na simula na pagkabata ay aking nais na. At sa aking pag-abot ng aking mga pangarap, ipapakita ko at ipaparamdam sa aking mga magulang na hindi masasayang na pina-aral nila ako ibibigay ang lahat ng aking makakaya hanggang sa kanilang pagtanda. Aabutin ko ang aking pangarap na kanilang pinapangarap din para sa akin. Kaya ang lahat ng kanilang pagsasakripisyo para sa akin ay hinding hindi ko sasayangin. Ang lahat ng aking pangarap para sa kanila ay makakamit.
No comments:
Post a Comment